22Jan12
So, earlier today, medyo tambay lang kami sa may exhibit booth namin. Wala na kasi kaming matulong dahil ang daming taong nasa mismong alley at tapos naman na daw ayusin yung effect sa taas, so hindi ko na kinailangan tumulong kina bess dun. Medyo sa design na lang kami pumalya, so bale, boys na pinag-ayos namin nun, para magmukhang dark room yung allotted alley para sa exhibit namin.
So yun. Tambay lang kami dun sa part na parang may tarp na parang entrance nung alley. Naghaharutan, naglalandian, nagkakantahan, naglolokohan, nagpapaka-green. >:)) Usual thing para sa AB. So parang wala na lang sya.
Kumakanta sila Aureen at Nicka ng kung anu-anong kanta na sinasabayan ko rin naman. Hanggang sa napunta kami sa songs ni Bruno Mars. Random lang as in, super. It Will Rain yung pinakatumatak sa’kin. Tapos bigla nilang kinanta yung Just The Way You Are.
Nagulat na lang ako nung biglang nagsalita si Ameer galing sa likod ko (parang yakap nya kasi ko nun) pero mas nagulat ako sa tanong nya.
“ANO IBIG SABIHIN SA’YO NUNG KANTANG YUN? SERYOSO?”
Nandun yung feeling na hindi ko alam isasagot ko. Parang, o_O joke ba yun? =)) Ewan ko. Ano nga ba ibig sabihin nun? Sana wala na lang syang pinaalala. Para hindi ako lalong naguluhan. ><
Ang hirap pala. Baby steps, pare. Nagagawa ko na e. Kailangan mangyari ‘to? ASAAAAR.
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010